Kuwentong Erotika

Tumingin si Jessie sa may bintana ng bus. Pinagmasdan niya ang pagpatak ng ulan, ang pagkabasa ng aspalto sa daan. Ang pagkakagulo ng mga taong naghahanap ng masisilungan. Maging ang dahan-dahang paglabo ng bintana dala ng paglalaban ng mainit na hangin mula sa kanyang bibig at ng lamig na dala ng aircon.

Hinigpitan ni Jessie ang pagkakayakap niya sa sarili. Balot na balot na siya ng makapal na jacket pero patuloy pa rin siyang nilalamig. Halos hindi na niya maigalaw ang mga daliri dahil sa paninigas ng mga ito.

Francis.

Continue reading

Kuwentong Romansa

Kinapa ni Isabella Villaflor ang malaking piyano sa gitna ng sala. Ngumiti siya at nagsimulang sumayaw. Hinawakan niya ang mahabang asul na bestidang suot-suot niya. Dahan-dahan niyang itinapak ang walang sapin niyang mga paa sa sahig. Paikot siyang umindayog sa paligid ng piyano. Pinagmasdan niyang muli ang kabuuan ng sala at tumigil siya sa pagsayaw. Kumunot ang kanyang noo, “Nasa ospital yata ako at wala sa bahay. Napakaraming kama’t puting kumot!” natatawang sabi ni Isabella ngunit mabilis din nitong binawi ang ngiti at bigla siyang sumigaw.

“Gamot, alkohol, gasa, heringgilya, at ano pa! Ano pa! Ospital na ba talaga ang tahanan namin? Wala na ang kulay ng bahay!”

Binawi niya ang sigaw ng malalim na buntong hininga at bumulong sa sarili, “Ngayong araw dapat ang aking kasal. Ang aming kasal.”

Nagulat si Isabella sa malakas na pagbukas ng pinto. Napatakbo siya sa hagdan. Pinilit niyang takpan ang kanyang tainga dahil sa naririnig na iyak, ungol, at sigaw, ng mga sugatan at duguang lalaking dinadala at pinapahiga sa mga kama.

Continue reading

Kuwentong Kababalaghan

Paningin

Umihip ang malamig na simoy ng hangin at madali nitong napawi ang pagod na aking nararamdaman. Katatapos lamang ng patimpalak at masaya ko sanang iuuwi kay Nanay ang napanalunan kong pera’t medalya. Sinasabayan pa ako ng liwanag ng buwan. Ngunit unti-unting kumikipot ang daan, napuputol ang pagkaluskos ng mga dahon, kumukurap ang liwanag ng buwan. Hindi ko na halos maramdaman ang paglapat ng aking paa sa lupa dahil ang nais ko na lamang ay makalayo, makatakbo. Patuloy sa pagkitid ang aking dinaraanan, natabunan na ng ulap ang sinag ng buwan at tanging matataas na damo na lamang ang aking nakakapa’t nadaraanan. Tanging ang mabilis na tibok ng aking puso ang aking naririnig. Hindi ko namalayan na bigla akong tumilapon at napadapa sa lupa. Natisod pa ako. Dahan-dahan kong iniangat ang aking sarili nang may kumalabit sa aking likuran. “Salamat po,” ang tangi kong nasabi. Hindi ko siya nagawang lingunin at tanging tinig lamang niya ang aking naalala. “Ang ganda ng iyong mga mata,”sambit niya. “Pahiram muna.”

—-
Isang eksenang mula sa alaala ng FIL150- Pagsulat ng Kuwentong Popular

Buhay ELBI

Nakaligtaan ko na naman ang nakaplanong araw ng pagdalaw. Kaya ngayon ay babalikan na lang ang mga alaala. Mula sa mga litrato at mga kathang magdadala muli sa akin sa matamis na yakap ng aking mahal na tahanan.

Maraming masasayang karanasan, mga pagsubok na nilampasan, at mga taong naging malaking parte ng pagkilala sa aking sarili. Salamat at ngayon ay gusto ko na talagang bumyahe at mag-isang lakbayin ang daan sa mga nakalipas na panahon.

Elbi, hintayin mo ako sa aking pagbabalik. 😀

wpid-img_20150327_205430.jpg

Continue reading