Hindi lang sa Quiapo nakikinig ang butihing MaykapalMinsan sa paglalakad ay may Aleng makapagtatanggalSa mga munting itinatagong sugat, siya'y may itatapalIlahad lang palad at uuwi ka nang may bagong dangal Huminga at itigil muna ang iyong mahabang paglalakadMarahang ibukas at ipakita ang linya ng iyong kanang palad Umupo sa silya at maghintay sa tapat ng … Continue reading Hiling
Tag: Filipino
Damit, Damhin
Bitbitin ang naiwang tagni-tagning damit ng kabataan Ibalot ang buong katawan, pakiramdaman Ang init ng iilang mabubuting piraso Ng mga alaalang pilit ikinubli, ipinangako Na babalikan, noon, kahapon, siguro nang nakaraan Pansinin ang dampi ng malamig na hangin Lalong higpitan ang yakap sa nakuhang damit Uminit man ang pisngi, bumuhos man ang pighati Tanging sa … Continue reading Damit, Damhin
Mga Napulot sa Pagbabasa 20170426
Nakakalungkot na bagay na ang panitikan ay di gaya ng ibang aralin na nasusukat ang bisa sa tulong ng mga pagsubok at pagsusulit. Ang ating mga pagsubok at pagsusulit ay sumusukat lamang sa pagkakatanda sa mga kaalamang gaya nito: Sino ang may-akda ng ganoon? Ano ang pangalan ng pangunahing tauhan? Ilan ang anak ni Ganoo't … Continue reading Mga Napulot sa Pagbabasa 20170426
Tilamsik
Pumapatak-patak sa tigang na lupa Ang mumunting butil ng pawis Na binagtas ang noo’t pisngi ni Itay Habang hindi magkandaugaga Sa pagsunod sa patuloy na pagbuka ng lupa Dumadaldal lang siguro ito Sapagkat matagal di naararo Pero sabi ni Itay, Magtiis, magtiis Darating ang pagbabago Dumating na nga yata ito Lumago ang bawat butil Isa, … Continue reading Tilamsik
Kumusta, bagong umaga?
Masakit ang bati ni Haring Araw Pilit namamaso, nagpapapikit Sinasabi ang oras ng paglabas Sapagkat may mga ipabibitbit Magtutulak sa iba sa tarangkahan May pagbati pa ng hikab maging isang Mahabang pagbagtas ng mga braso at Balikat na naninigas mula pa sa Papag na gawa sa sementong malamig Gagawin ang lahat para sa kalam Ng sikmura ng … Continue reading Kumusta, bagong umaga?
Malayo ang tingin Abot hanggang langit Binabagtas pala Alaalang kapos Napupudpod na nga Suwelas ng suot Na tanging sapatos Pero tuloy pa rin Malayo ang tingin Abot hanggang langit
Isang daan ang tinatahak, Pantay ang tingin ngunit sa huli Didiretso, kakaliwa, kakanan Halimuyak ng karanasan ang binabagtas
On Writing (3): Language – Filipino or English?
Filipino or English, what should I use to better share my ideas? With a background in communication studies specifically in language and culture, I learned that there isn't a "better" language. Moreover, the thought of providing a distinct hierarchy of languages that makes one the best is affected by various factors which can be seen within the … Continue reading On Writing (3): Language – Filipino or English?
Pamamaalam
Pasalansang ayos ng nararamdaman sa pamamaalam Bitbit ang ngiti sa mukha na may nangingilid na luha Ikinukubli, tanging tabing sa nag-aapoy na kalangitan Ito na nga lang kaya ang ating huling makukuha? Ang yapak ng mga paa, kaliwa, kanan, isa, dalawa Bilang ng takbo ng dumadagundong tibok ng puso Pilit sinasabayan ang yapak ngunit laging … Continue reading Pamamaalam
Alalahanin sa Ngayon
Paano nga ba lubusang kumawala Sa gapos, sa hapis ng kahapon? Isang tula, siguro isang pelikula Iyon lamang ang mga inakalang tama Sa loob lamang ba ng tatlo hanggang limang minuto O sa isa hanggang dalawang oras makalalaya Maipahihiwagtig ang nadarama, Hakbanging dapat tuluyang ipanukala Ganoon lang ba kadali? Lumaki sa piling ng kaginhawaan Bagong … Continue reading Alalahanin sa Ngayon