Kuwentong Erotika

Tumingin si Jessie sa may bintana ng bus. Pinagmasdan niya ang pagpatak ng ulan, ang pagkabasa ng aspalto sa daan. Ang pagkakagulo ng mga taong naghahanap ng masisilungan. Maging ang dahan-dahang paglabo ng bintana dala ng paglalaban ng mainit na hangin mula sa kanyang bibig at ng lamig na dala ng aircon. Hinigpitan ni Jessie… Continue reading Kuwentong Erotika

Kuwentong Romansa

Kinapa ni Isabella Villaflor ang malaking piyano sa gitna ng sala. Ngumiti siya at nagsimulang sumayaw. Hinawakan niya ang mahabang asul na bestidang suot-suot niya. Dahan-dahan niyang itinapak ang walang sapin niyang mga paa sa sahig. Paikot siyang umindayog sa paligid ng piyano. Pinagmasdan niyang muli ang kabuuan ng sala at tumigil siya sa pagsayaw.… Continue reading Kuwentong Romansa

Kuwentong Kababalaghan

Paningin Umihip ang malamig na simoy ng hangin at madali nitong napawi ang pagod na aking nararamdaman. Katatapos lamang ng patimpalak at masaya ko sanang iuuwi kay Nanay ang napanalunan kong pera’t medalya. Sinasabayan pa ako ng liwanag ng buwan. Ngunit unti-unting kumikipot ang daan, napuputol ang pagkaluskos ng mga dahon, kumukurap ang liwanag ng… Continue reading Kuwentong Kababalaghan

20151113

Umaalingawngaw ang bawat tipa sa piyesa Bawat kalabit sa kuwerdas ng gitara Dinadala ang iilang natitirang alaala Ngayong kanta na lamang ang nakakasama Dahan-dahang ibinabalik ang nawalang nota Taimtim na dinirinig ang kantang nagdala Ng masasaya't magagandang mga alaala Ngunit sa paglipas ng panahon Nanginginig na mga kamay ang naging hamon Upang maibalik ang gitara… Continue reading 20151113

Maraming papel, maraming dapat isulat Ngunit maraming oras ang sinasayang 'pagkat sa tuwing sisimulan ang talata Nababagabag na baka may sumita Tiwala sa sarili ay unti-unting nawala Siguro dahil sa mga pagbatikos na nakuha Mula sa mga taong pinagkatiwalaan n'ya Ngayon tanging blankong papel and nagpapaalala Sa dinamirami ng ideyang nais kumawala Pilit na kinukubli,… Continue reading

Laro Tayo

Ang mga batang nagtatakbuhan Bitbit-bitbit ang pares ng tsinelas Sa dalawang palad na nakabukas Kasabay ng mga ngiting sagad-sagad Mistulang walang problemang inaalala Kundi ang matapik ang susunod Magiging taya at magsisi-hagulgol Sa nakatutuwang pagtilapon Ng kaibigang natalisod Mapupuno ang kalsada Halakhak, patutsyada't sigawan Ng mga musmos na nag-uunahan Upang matapos ang laro ng buong… Continue reading Laro Tayo

Ang tunguhin ko ay paiba-iba Napapanahon o sadyang kakaiba Walang tumatagal upang aking makita Malaking pagbabago sa aking pag-iisa Mahigit sa dalawang dekada Ang pagmamasid sa madla Upang maging katulad nila Ngunit sa huli ay hindi makilala Tanging laman ng puso ng kapamilya Pero walang higit na nagpadama Sa daan upang maging masaya Kasama ng… Continue reading

Museong Salamin

Apat na sulok ang lalakbayin Bago lisanin ang nakaraang madilim Pero paano matatapos Kung ang pader ay salamin? Walang katapusan ang pag-ikot Dumudoble ang sulok sa bawat tingin Dumadagundong ang pintig ng puso Nagbabadya o nagpapaalala Mag-ingat ka sa anumang paparating Sulyap sa kaliwa may litratong dala Panahon ng bata pa't walang problema Tanging pag-iyak sa… Continue reading Museong Salamin