Hinga, May Isa Pa

Sa pagsayaw ng liwanag ng kandila sa ating harapan
Pakaliwa’t pakanang pagsabay sa ating bawat paghinga
Minsan inaakala nating patapos na ang problemang noo’y nagpahirap
Sa puso nating punong-puno na ng di magagandang alaala
Na may iilang natirang peklat katabi nang unti-unting naghihilom na sugat

Kaso sa bawat hakbang pasulong at sa paglapat ng liwanag
Dahan-dahang nagbabalik ang hapdi sa mga gasgas na naghilom
Na ipinanalangin natin nang taimtim na sana’y di na magbalik
Pero ngayo’y nagbabadyang muling bumukas at magpahirap
Na muling kikirot habang pilit nating huwag pansinin

Kaya yata talaga matalinghaga ang takbo ng ating tadhana
Minsan ang liwanag kasi’y natatakpan ng mga ulap
Na pilit naman nating itinataboy sa pag-ihip
Ng mainit na hiningang nagsasabing

Ako at ika’y buhay pa

Na ano man ang mangyari, may isa pa tayong panangga
Ang huminga at magpatuloy sa pagharap sa kung ano pang ibato ng tadhana

Matuto rin tayong magpahinga upang tayo ay makalaya
Ihanda ang ating mga mata sa pagmasid sa paglubog at pagsikat ng araw
Magasgasan mang muli, kumirot mang muli ang ating mga puso
Mabulag man saglit sa kislap ng liwanag ng mga nakaraan
Tayo ay magpapatuloy, may isa pa tayong hininga

Advertisements

Music Playlist for the Rainy Days

Wild fire kisses the first rain drop
With the wind for the moonlight
Of ashes waving their final goodbye
As the rainy day comes for their welcome

Flames throw a great pas de deux
With the touch lingering in the heart
Of the prisoners of the dark
Praying for a savior in the light

This is the rainy day
To quench the thirst
To brighten the way
For those lost and dried
Out of ropes to climb
And hopes or smiles

 

Dreamers’ Dream

A star twinkles
A planet dies
Then I stay standing
At the corner of the last road
Open for dreamers, workers of faith

I see the sign
Of the blood moon rising
People cheering
For those leaving
Searching for better lives
Not knowing they already have a life

Here, at the same spot
When reality hits fantasy
A star twinkles
A dreamer flies
Off to a new course
But still holding on their own rope

A dreamer leaves
A dead man calls
Sharing false hopes
A shining delight
For a prosperous good night

In a land of strangers
In a valley of sweat and salty cries
As the star twinkles
Shut the eyes of each dreamer
Smiling

I still am
At the corner of the last road
Seeing the rising smoke
A fumigation on going
To clear the brains
Stop the hearts from beating

Damit, Damhin

Bitbitin ang naiwang tagni-tagning damit ng kabataan
Ibalot ang buong katawan, pakiramdaman
Ang init ng iilang mabubuting piraso
Ng mga alaalang pilit ikinubli, ipinangako
Na babalikan, noon, kahapon, siguro nang nakaraan

Pansinin ang dampi ng malamig na hangin
Lalong higpitan ang yakap sa nakuhang damit
Uminit man ang pisngi, bumuhos man ang pighati
Tanging sa iyo nakasalalay ang pagpapatuloy
Ng kahapon, ngayon, at kung ano pang mangyayari

Kaya dalhin, kahit kupas na ang kulay
Mga alaala, paalala, at ilang nakukubling pag-asa
Dahan-dahan man ang paglalakad, pagtitig, pagpupumiglas
Lalaya, makalalaya rin at maghahatid ng bagong bukas

Eclipse, Eclipse

Fingernails grow fast and clear
Eye-catching pieces for a chandelier
Put some rings or a golden pierce
The ceiling is sure to be a centerpiece

See the chains of the rib bone clock
Hear it crack with every hit of the rock
That leaves a space for the next flock
As thunders ring the final death lock

Goodbye, sweet dreams
Goodbye, my chandelier
Greetings to the new rose
Of this dark, empty prose
Or poetry to the ears
But painful grip of
Reality’s final drill

Malayo ang tingin
Abot hanggang langit
Binabagtas pala
Alaalang kapos

Napupudpod na nga
Suwelas ng suot
Na tanging sapatos
Pero tuloy pa rin

Malayo ang tingin
Abot hanggang langit

Hapunan

Pumipintig ang sintido ng babaeng nakaupo sa may pasilyo
Bitbit ang kakapiranggot na kita mula sa buong maghapon
Tinatapik-tapik lamang ang ulo,
Nagbabakasakaling mawala ang kirot
Inuulit ang dasal na kinabisado simula pa noon

Aba, Ginoong Maria napupuno ka ng grasya

Sa iilang barya pa, mapupuno na ang kanyang bulsa
Makauuwi na’t makapaghahain ng hapunan
Malugod na pagsasaluhan ng dalawang pamilya
Sa babaeng nakaupo at sa panganay niyang binatilyo

Sa tulong ng patuloy na pamamalimos
Ng inang iniwan ang lahat sa kahapon
Matapang na hinaharap ang takbo ng panahon
Mag-aantanda ng krus, sisimulan ang pagpapasalamat

Ang Panginoon ay sumasaiyo

Isang buong araw na naman ang natapos
Nairaos kahit papaano ang anim na musmos at ang magsing-irog

Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat

Pumipintig ang sintido ng babaeng nakaupo sa may pasilyo
Bitbit ang kakapiranggot na kita mula sa buong maghapon

At pinagpala naman
Ang ‘yong anak na si Hesus


Santa Maria, Ina ng Diyos
Ipanalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kami’y mamamatay
Amen

Love Poem (1)

How I wish, somehow, someone writes a poem while thinking of me
How I wish that the next song to play is mine to keep

Selfish

All pretty things happen in fairy tales
And today’s not that time to write myself one

Pity

Yeah, quite pathetic at first
But helpful, refreshing at some intervals
Still, how I wish the next poem’s for me,
about me,
or  even just
a memory of me

At least there’s a part of assurance that someone
sees (saw) me

Selfish
I know yet I need this dose of fantasy even just for a moment

Pity

It’s okay…
I’m fine.

I also pity myself sometimes.

Leaving No Trace

Jpeg

Is it even possible to leave without any trace?

Maybe it is the time to say goodbye
Soften the blow of an unexpected break
Lessen the touch, even a simple nod
Keep the smile but it may deeply scar the heart
Still, maybe with this, leaving is possible
Erase the moments slowly from the routine
Say what you mean, show what you wish
It is the time to finally say goodbye

So, soften the blow of this unexpected break
Lessen the touch, lessen the talk
Keep the smile, keep it close

Erasing the memories slowly
With the hours moving
Swaying
Flying
Away
It
Goes