Isang Hibla

Saranggola, nag-aabang sa hangin Ihip, hinga nang malalim Pinipilit isabit sa lubid Buhay na unti-unting napapatid Ibubuhol na lamang sa iba Para maipagpatuloy ang diwa Ihip, hinga, halinghing ng pangungulila Alaala ng kalayaan, ng kabataan Ngunit ngayon ay isang hibla na lamang Pinipilit isinasabit sa lubid Buhay na unti-unting napapatid