20151113

Umaalingawngaw ang bawat tipa sa piyesa Bawat kalabit sa kuwerdas ng gitara Dinadala ang iilang natitirang alaala Ngayong kanta na lamang ang nakakasama Dahan-dahang ibinabalik ang nawalang nota Taimtim na dinirinig ang kantang nagdala Ng masasaya't magagandang mga alaala Ngunit sa paglipas ng panahon Nanginginig na mga kamay ang naging hamon Upang maibalik ang gitara… Continue reading 20151113

Maraming papel, maraming dapat isulat Ngunit maraming oras ang sinasayang 'pagkat sa tuwing sisimulan ang talata Nababagabag na baka may sumita Tiwala sa sarili ay unti-unting nawala Siguro dahil sa mga pagbatikos na nakuha Mula sa mga taong pinagkatiwalaan n'ya Ngayon tanging blankong papel and nagpapaalala Sa dinamirami ng ideyang nais kumawala Pilit na kinukubli,… Continue reading

Laro Tayo

Ang mga batang nagtatakbuhan Bitbit-bitbit ang pares ng tsinelas Sa dalawang palad na nakabukas Kasabay ng mga ngiting sagad-sagad Mistulang walang problemang inaalala Kundi ang matapik ang susunod Magiging taya at magsisi-hagulgol Sa nakatutuwang pagtilapon Ng kaibigang natalisod Mapupuno ang kalsada Halakhak, patutsyada't sigawan Ng mga musmos na nag-uunahan Upang matapos ang laro ng buong… Continue reading Laro Tayo

Ang tunguhin ko ay paiba-iba Napapanahon o sadyang kakaiba Walang tumatagal upang aking makita Malaking pagbabago sa aking pag-iisa Mahigit sa dalawang dekada Ang pagmamasid sa madla Upang maging katulad nila Ngunit sa huli ay hindi makilala Tanging laman ng puso ng kapamilya Pero walang higit na nagpadama Sa daan upang maging masaya Kasama ng… Continue reading

Museong Salamin

Apat na sulok ang lalakbayin Bago lisanin ang nakaraang madilim Pero paano matatapos Kung ang pader ay salamin? Walang katapusan ang pag-ikot Dumudoble ang sulok sa bawat tingin Dumadagundong ang pintig ng puso Nagbabadya o nagpapaalala Mag-ingat ka sa anumang paparating Sulyap sa kaliwa may litratong dala Panahon ng bata pa't walang problema Tanging pag-iyak sa… Continue reading Museong Salamin

Ano na ang plano mo?

Maraming bagay ang nawawala sa mundo Ilan? Anu-ano? Lahat Kaya ano na ang gagawin mo? Wala. Ewan. Siguro meron O puedeng bahala na si Batman Tanga! Ikaw din naman eh! Marami kang ideya at pangarap Eh ano naman? Wala Hindi ka ba kikilos para... Maabot iyong masayang hinaharap Oo, puede rin kaso and drama Gaga! Tama na,… Continue reading Ano na ang plano mo?

Pagpaplano

Ano na nga ba ang plano ko? Madalas akong nagpaplano maski sa bawat minutong kinikilos, ikikilos ko. Nakapapagod magtala at mangarap sa huli naman ay walang napapala. Lalo lamang naninikip ang dibdib sa pagdaan ng nakasulat na gawain pero wala namang narating. Masarap magsulat at magplano pero kung walang tiyaga, dasal, at tiwala'y walang magbabago.… Continue reading Pagpaplano