,

Lula

Isang hakbang pa lamang
Lumilipad na ang linya’t
Pinakikiramdaman ang mga salitang
Lumalampas sa kanilang gunita

Pinipilit na iwasang lumingon
Tingalang sa himpapawid ang abot
Madapa ay kamatayan
Lumingon sa kabiguan

Ngunit wala akong nagawa
Nangalay na ang aking leeg
Napatingin ako sa ibaba
Di makaya ang bigat ng batok

Pumasok lahat ng hangin
Kumalam ang aking sikmura
Dinala ang aking katawan
Sa daluyang kinatatayuan

Leave a comment

Yakap!

I’m Joy and welcome to my little digital corner. Let me share with you some of the wonders that come to my life, plus the creatively altered views of daily encounters that I try to put into my stories, poems, and other works here.

Let’s connect