Wednesday Poetry

It seems like a late start, but I hope to bring life back to my blog. I haven’t written anything in the past couple of months as I simply tried to find better ways to adjust to my teaching job. Now, I will try to begin a new routine to bring myself back to writing. I hope to continue with this. As a first, let me leave this one here:

Good Morning

Hinga, May Isa Pa

Sa pagsayaw ng liwanag ng kandila sa ating harapan
Pakaliwa’t pakanang pagsabay sa ating bawat paghinga
Minsan inaakala nating patapos na ang problemang noo’y nagpahirap
Sa puso nating punong-puno na ng di magagandang alaala
Na may iilang natirang peklat katabi nang unti-unting naghihilom na sugat

Kaso sa bawat hakbang pasulong at sa paglapat ng liwanag
Dahan-dahang nagbabalik ang hapdi sa mga gasgas na naghilom
Na ipinanalangin natin nang taimtim na sana’y di na magbalik
Pero ngayo’y nagbabadyang muling bumukas at magpahirap
Na muling kikirot habang pilit nating huwag pansinin

Kaya yata talaga matalinghaga ang takbo ng ating tadhana
Minsan ang liwanag kasi’y natatakpan ng mga ulap
Na pilit naman nating itinataboy sa pag-ihip
Ng mainit na hiningang nagsasabing

Ako at ika’y buhay pa

Na ano man ang mangyari, may isa pa tayong panangga
Ang huminga at magpatuloy sa pagharap sa kung ano pang ibato ng tadhana

Matuto rin tayong magpahinga upang tayo ay makalaya
Ihanda ang ating mga mata sa pagmasid sa paglubog at pagsikat ng araw
Magasgasan mang muli, kumirot mang muli ang ating mga puso
Mabulag man saglit sa kislap ng liwanag ng mga nakaraan
Tayo ay magpapatuloy, may isa pa tayong hininga

Plan for 2018

[UPDATE 06/11/2018] This is still a plan and I was not able to really make this into a concrete action. But, it’s never too late to start. Maybe I can finally work on new posts starting this week up to maybe two to three months? 😉

Kislap

Tutubi, tutubi, magmadali’t makipot riyan sa tabi
Bakit iba na ang daloy nang iyong paglipad?
Sumasayad at nangangapa sa lupa ang iyong mga palad

Dahan-dahang maglakad paroon sa paaralan
Dahil ang mangmang ay wala raw masasandalan
Maging ang ilang makukulay na paruparo
Sa kung saan-saan na laging nagsisitakbo
Ngayong nakagapos ang mga pakpak
Pilit kinakabisado ang numerong nakatatak
Sa kanilang noo na nagsasabi kung saan sila mapapadpad

Imulat mo ang iyong mga mata at tainga
Magmasid, makinig, magdasal nang taimtim
Di na ito tulad nang kinagisnang lansangan
Kung saan naghahanap lang ng aratiles sa daan

Alitaptap, alitaptap, ang dulo mo’y kumikislap
Hinahanap-hanap mo ba ang pangarap sa sulok-sulok
Ng siyudad na dahan-dahan nang nilamon ng alikabok?

Maging mga mangmang ay palaging may alam
Pagdating sa sinasabi nang iilan sa karamihan
Ni hindi na mabilang ang totoong nagtutulungan
Pero alamin mo pa ring may kislap na ikaw lang ang nakaaalam

Imulat mo lang ang iyong mga mata at tainga
Magmasid, makinig, magdasal nang taimtim
Darating din ang iyong pagkawala
Sa isang gapos ng nakaraan
Maging isang paruparong makulay
Isang tutubing mabilis sumabay
Sa pagbabago pero nananatiling matatag
Isang alitaptap na kumikislap
Nagpapaganda sa dilim na dala ng gabi

Alitaptap, alitaptap, ang dulo mo’y kumikislap
Tutubi, tutubi, magmadali’t makipot riyan sa tabi
Maging ang ilang makukulay na paruparo
Magsasama-sama sa pagpapatuloy,
Sa pagbabago, sa pagkawala sa gapos

Kikislap ang umaga sa kulay ng mga pakpak
Kikislap ang liwanag sa mga matang matitingkad
Kikislap ang gabi dala ng natatanging ilaw
Na di madaling makita sapagkat ilan lamang
Ang may tulad na kislap dala ng kanilang pangarap
Sana isa ka sa kanila, ngayon o bukas
Di mo kailangan magmadali
darating ang iyong paglipad, pagkislap

Magandang Umaga, Tara!

Dumudungaw ang mainit na haplos ng liwanag
Mula sa kurtinang dahan-dahang sumasayaw
Sa bawat pagbati ng malamig na hangin

Unti-unting umaangat mula sa sahig na pulang-pula
Mga alaalang binabagtas ang makinis na paalala
Isang bagong umaga ang masayang bumubulaga

Ang tahanang noo’y puno nang sapot na ipinaikot-ikot
Sa may sulok na nalimot na ng panahon
Ngayo’y tahanan na rin nang mga alikabok
Na may bahid ng saya’t lungkot ng kahapon

Mga ngiti nang pag-uunat ng mga sanggol ang sagot
Sa pagbuka nang palad tiyak na ang pagkalimot
Sapagkat sa umagang ito tuluyang babangon
Magsisimula ng bagong pahina sa libro ng pagbabago

Ineng, ineng ang baga ay nasa iyong paanan
Totoy, tara sumigaw nang pagkagilagilalas
Ganito ang hiling ng mga mumunting bumabagtas
Sa dagat na puno ng alon at pag-aalala
Sa kagandahang dapat sana’y noon pa nakita

Dumudungaw ang mainit na haplos ng liwanag
Mula sa kurtinang dahan-dahang sumasayaw

Unti-unting umaangat mula sa sahig na pulang-pula
Mga alaalang binabagtas ang makinis na paalala

Isang bagong umaga ang masayang bubulaga

Ongoing Passion Project

Dance with the midnight Sun

Poetry with a bit of darkness in it.

Poetry with a bit of darkness in it.The year 2017 is almost over and in a couple of months, people will be doing their new year’s resolutions again while I’m still stuck on the list that I don’t know where I got the idea from exactly. Nevertheless, in the remaining days of this year, I will work on something that I think (still not sure, though) I can finish. *fingers crossed*

 

 

 

 

 

 

Estranghero

A work in progress. Still yet to complete.

With these two, I hope to go back to my old habits where I am not yet preoccupied with work concerns. The poetry may seem like a hodgepodge of sorts, but, they are because those works were from random pieces I wrote in a span of years. Then, the Estranghero is my chance to bleed some senses to a possible full manuscript. So, here’s a great end to 2017.

Music Playlist for the Rainy Days

Wild fire kisses the first rain drop
With the wind for the moonlight
Of ashes waving their final goodbye
As the rainy day comes for their welcome

Flames throw a great pas de deux
With the touch lingering in the heart
Of the prisoners of the dark
Praying for a savior in the light

This is the rainy day
To quench the thirst
To brighten the way
For those lost and dried
Out of ropes to climb
And hopes or smiles

 

Dreamers’ Dream

A star twinkles
A planet dies
Then I stay standing
At the corner of the last road
Open for dreamers, workers of faith

I see the sign
Of the blood moon rising
People cheering
For those leaving
Searching for better lives
Not knowing they already have a life

Here, at the same spot
When reality hits fantasy
A star twinkles
A dreamer flies
Off to a new course
But still holding on their own rope

A dreamer leaves
A dead man calls
Sharing false hopes
A shining delight
For a prosperous good night

In a land of strangers
In a valley of sweat and salty cries
As the star twinkles
Shut the eyes of each dreamer
Smiling

I still am
At the corner of the last road
Seeing the rising smoke
A fumigation on going
To clear the brains
Stop the hearts from beating

Damit, Damhin

Bitbitin ang naiwang tagni-tagning damit ng kabataan
Ibalot ang buong katawan, pakiramdaman
Ang init ng iilang mabubuting piraso
Ng mga alaalang pilit ikinubli, ipinangako
Na babalikan, noon, kahapon, siguro nang nakaraan

Pansinin ang dampi ng malamig na hangin
Lalong higpitan ang yakap sa nakuhang damit
Uminit man ang pisngi, bumuhos man ang pighati
Tanging sa iyo nakasalalay ang pagpapatuloy
Ng kahapon, ngayon, at kung ano pang mangyayari

Kaya dalhin, kahit kupas na ang kulay
Mga alaala, paalala, at ilang nakukubling pag-asa
Dahan-dahan man ang paglalakad, pagtitig, pagpupumiglas
Lalaya, makalalaya rin at maghahatid ng bagong bukas