Laro Tayo

Ang mga batang nagtatakbuhan
Bitbit-bitbit ang pares ng tsinelas
Sa dalawang palad na nakabukas
Kasabay ng mga ngiting sagad-sagad
Mistulang walang problemang inaalala
Kundi ang matapik ang susunod
Magiging taya at magsisi-hagulgol
Sa nakatutuwang pagtilapon
Ng kaibigang natalisod

Mapupuno ang kalsada
Halakhak, patutsyada’t sigawan
Ng mga musmos na nag-uunahan
Upang matapos ang laro ng buong tapang
Lulubugan ng araw na puno ng pawis at dumi sa katawan
Pero ngiti pa rin ang kanilang ibabaon
Sa pagsalubong sa nakahandang hapunan

Sayang hindi na ito ang pumupuno
Sa kalsadang nilalakaran ng marami ngayon
Nawala ang mga batang nagrarambulan
Tanging sa alaala at panaginip na lang yata makikita
O kapag pinilit maglaro sa klase sa eskwelahan
Doon na lang matatanaw ang kinalakihang kasiyahan
Ngunit mga nakasimangot na mukha ang babati
Sa larong pinaghihirapang saglit na balikan
Sana kahit ngayon ay makatagpo
Magyayaya ng “Laro tayo!”

2 Comments

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s