Salamin

Ang mga babae, bata man o matanda, kaibigan ang isang salamin. Sa umaga pagkagising, tititig sa kanya’t pilit na aayusin ang buhok at kanyang mukha. Sa gabi, salamin muli ang kanyang katapat at magsusuklay kasabay ng pagbibilang hanggang isang daan.

Isa. Dalawa. Ngingiti muna. Tatlo. Apat. Lima. Suklay na asul, napupuno na ng alaala. Anim. Pito. Kasing ganda pa rin ba ako ng kahapon? Walo. Siyam. Sampu. Siyamnapu pa matatapos na. Labingisa. Labingdalawa. Luha ay pumapatak sa gilid ng kanang mata. Labingtatlo. Labingapat. Labinglima. Nais na padaliin ang pagsusuklay sapagkat buhok ay nauubos na. Labinganim. Labingpito. Labingwalo. Dalawang suklay na lamang upang tapusin. Labingsiyam. Dalawampu. Suklay ay bibitawan, ilalapag sa lamesa. Tapos na ang gabing ito. Matutulog na. Ngunit ang salamin lamang ang lubos na nakakikita. Wala na ang dating saya. Buhok ay nalagas at ganda ay lumipas. Bukas ng umaga, roon lamang may makakikita, ang suklay ay puno ng buhok ng dalaga. Sa dalawampung bilang nabunot na ang lahat. At ang dalaga ay mahimbing na natutulog, yakap ang kanyang unang basa mula sa magdamagang pagluha. Ang salamin ang tanging nakakita sa hirap na pinagdaanan ng kanyang kaibigan. Bukas ng umaga, walang makakaalam na hindi sa sakit namatay ang dalaga kung hindi sa pag-inom niya ng lasong sa tingin niya ay tanging makatutulong. Sa mga katulad niyang kinalimutan na ng kahapon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s