Umiikot pakaliwa ang mga kamay
Ng nag-iisang orasan sa may kusina
Sumisigaw ang bawat segundo
Nagpupumilit lumaya sa kahapon
Ngunit tanging alaala ng makalawa
Ang nag-aabang sa kanila sa dulo
Pagkat ang orasan ay nakatakdang tumigil
Sa pagitan ng ngayon at kahapon
Sapagkat puno na ang balon ng pangako
Mula sa mga taong nangangarap sumulong
Ngunit walang ginawa kundi ang magreklamo
Kaya ngayon ang orasan ay nagpapatuloy
Sapagkat puno na ang balon ng pangako
Mula sa mga taong nangangarap sumulong
Ngunit walang ginawa kundi ang magreklamo
Kaya ngayon ang orasan ay nagpapatuloy
Umiikot ngunit pabalik sa kahapon
Nangangarap na may pag-asa pang kumawala
Sa nagbabadyang masalimuot na pagtatapos
Sapagkat lahat din naman ay tutungo sa dulo







Leave a comment