Sa pagsayaw ng liwanag ng kandila sa ating harapan Pakaliwa't pakanang pagsabay sa ating bawat paghinga Minsan inaakala nating patapos na ang problemang noo'y nagpahirap Sa puso nating punong-puno na ng di magagandang alaala Na may iilang natirang peklat katabi nang unti-unting naghihilom na sugat Kaso sa bawat hakbang pasulong at sa paglapat ng liwanag … Continue reading Hinga, May Isa Pa
Category: Tula Project
Kislap
Tutubi, tutubi, magmadali't makipot riyan sa tabi Bakit iba na ang daloy nang iyong paglipad? Sumasayad at nangangapa sa lupa ang iyong mga palad Dahan-dahang maglakad paroon sa paaralan Dahil ang mangmang ay wala raw masasandalan Maging ang ilang makukulay na paruparo Sa kung saan-saan na laging nagsisitakbo Ngayong nakagapos ang mga pakpak Pilit kinakabisado … Continue reading Kislap
Magandang Umaga, Tara!
Dumudungaw ang mainit na haplos ng liwanag Mula sa kurtinang dahan-dahang sumasayaw Sa bawat pagbati ng malamig na hangin Unti-unting umaangat mula sa sahig na pulang-pula Mga alaalang binabagtas ang makinis na paalala Isang bagong umaga ang masayang bumubulaga Ang tahanang noo'y puno nang sapot na ipinaikot-ikot Sa may sulok na nalimot na ng panahon Ngayo'y … Continue reading Magandang Umaga, Tara!
Ongoing Passion Project
Poetry with a bit of darkness in it.The year 2017 is almost over and in a couple of months, people will be doing their new year's resolutions again while I'm still stuck on the list that I don't know where I got the idea from exactly. Nevertheless, in the remaining days of this year, I … Continue reading Ongoing Passion Project
Wednesday Poetry
A new challenge for the coming weeks. I hope to see this through. 🙂 From Refresh Sundays for my travel experiences to this, there sure are a lot more to enjoy in 2017.
Tilamsik
Pumapatak-patak sa tigang na lupa Ang mumunting butil ng pawis Na binagtas ang noo’t pisngi ni Itay Habang hindi magkandaugaga Sa pagsunod sa patuloy na pagbuka ng lupa Dumadaldal lang siguro ito Sapagkat matagal di naararo Pero sabi ni Itay, Magtiis, magtiis Darating ang pagbabago Dumating na nga yata ito Lumago ang bawat butil Isa, … Continue reading Tilamsik
Protected: 24 Things I want to do on my 24th
There is no excerpt because this is a protected post.
Pamamaalam
Pasalansang ayos ng nararamdaman sa pamamaalam Bitbit ang ngiti sa mukha na may nangingilid na luha Ikinukubli, tanging tabing sa nag-aapoy na kalangitan Ito na nga lang kaya ang ating huling makukuha? Ang yapak ng mga paa, kaliwa, kanan, isa, dalawa Bilang ng takbo ng dumadagundong tibok ng puso Pilit sinasabayan ang yapak ngunit laging … Continue reading Pamamaalam
Alalahanin sa Ngayon
Paano nga ba lubusang kumawala Sa gapos, sa hapis ng kahapon? Isang tula, siguro isang pelikula Iyon lamang ang mga inakalang tama Sa loob lamang ba ng tatlo hanggang limang minuto O sa isa hanggang dalawang oras makalalaya Maipahihiwagtig ang nadarama, Hakbanging dapat tuluyang ipanukala Ganoon lang ba kadali? Lumaki sa piling ng kaginhawaan Bagong … Continue reading Alalahanin sa Ngayon
Kilalanin mo Ako
Marahang pagpihit ng gripo, biglang kalabog ng pinto. Dumiretso ako sa banyo para maghilamos. Alam ko na ang sasabihin, lunod na naman sa kalalagok, Magdamagang uminom ng Matador sa may kanto. Ligaya ko ay hanggang langit ang abot. Tuwing Sabado ng umaga ganito na lamang ang simula Ng araw na akala mo’y kayganda’t kaysaya. Sunod … Continue reading Kilalanin mo Ako