Tilamsik

Pumapatak-patak sa tigang na lupa
Ang mumunting butil ng pawis
Na binagtas ang noo’t pisngi ni Itay
Habang hindi magkandaugaga
Sa pagsunod sa patuloy na pagbuka ng lupa

Dumadaldal lang siguro ito
Sapagkat matagal di naararo
Pero sabi ni Itay, Magtiis, magtiis
Darating ang pagbabago

Dumating na nga yata ito

Lumago ang bawat butil
Isa, dalawa
Ngayon ang mga pawis ay nagmistulang piyesta
Nang makulay na pulang likidong sinisipsip ng lupa
Si Itay nakahandusay, namamahinga na

Dumating na nga yata ang pagbabago

Maski sa lungsod, patak ng pawis
Butil ng dugong pinapawi
Bang, bang
Laro ng mga bata
Bang, bang
Naging bagong mundong
Magpapalaya

Ang tigang na lupa, lumago pa
Umabot sa kahabaan ng mga ugat
Nagbibigay buhay
Kumikitil ng hininga
Sa mata ng mga bata
Sa isip ng mga matatanda
Tumitilamsik ang mga alaala
Sinisikap punasan ng mga bagong paalala


Piyesa sana para sa Midnight Jam 2017 ng The Rhetoricians: The UPLB Speech Communication Organization 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s