Kislap

Tutubi, tutubi, magmadali’t makipot riyan sa tabi
Bakit iba na ang daloy nang iyong paglipad?
Sumasayad at nangangapa sa lupa ang iyong mga palad

Dahan-dahang maglakad paroon sa paaralan
Dahil ang mangmang ay wala raw masasandalan
Maging ang ilang makukulay na paruparo
Sa kung saan-saan na laging nagsisitakbo
Ngayong nakagapos ang mga pakpak
Pilit kinakabisado ang numerong nakatatak
Sa kanilang noo na nagsasabi kung saan sila mapapadpad

Imulat mo ang iyong mga mata at tainga
Magmasid, makinig, magdasal nang taimtim
Di na ito tulad nang kinagisnang lansangan
Kung saan naghahanap lang ng aratiles sa daan

Alitaptap, alitaptap, ang dulo mo’y kumikislap
Hinahanap-hanap mo ba ang pangarap sa sulok-sulok
Ng siyudad na dahan-dahan nang nilamon ng alikabok?

Maging mga mangmang ay palaging may alam
Pagdating sa sinasabi nang iilan sa karamihan
Ni hindi na mabilang ang totoong nagtutulungan
Pero alamin mo pa ring may kislap na ikaw lang ang nakaaalam

Imulat mo lang ang iyong mga mata at tainga
Magmasid, makinig, magdasal nang taimtim
Darating din ang iyong pagkawala
Sa isang gapos ng nakaraan
Maging isang paruparong makulay
Isang tutubing mabilis sumabay
Sa pagbabago pero nananatiling matatag
Isang alitaptap na kumikislap
Nagpapaganda sa dilim na dala ng gabi

Alitaptap, alitaptap, ang dulo mo’y kumikislap
Tutubi, tutubi, magmadali’t makipot riyan sa tabi
Maging ang ilang makukulay na paruparo
Magsasama-sama sa pagpapatuloy,
Sa pagbabago, sa pagkawala sa gapos

Kikislap ang umaga sa kulay ng mga pakpak
Kikislap ang liwanag sa mga matang matitingkad
Kikislap ang gabi dala ng natatanging ilaw
Na di madaling makita sapagkat ilan lamang
Ang may tulad na kislap dala ng kanilang pangarap
Sana isa ka sa kanila, ngayon o bukas
Di mo kailangan magmadali
darating ang iyong paglipad, pagkislap

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s