, , , ,

Good Mourning

Good Mourning

Sa bawat pagtipa sa kuwerdas ng gitara
Dahan-dahang nabubura ang mga alaala
Sumasabay sa daloy ng malungkot na musika
Bitbit ng mga luhang pumapatak kasabay nila

Isang ulit pa ng mga notang pinapalaya
May paghilom na unti-unting madarama
Kahit pa sa pag-ulit ng kanyang pagtipa
Minsan nagbabalik ang inakalang nawala na
Sa puso ng isang makatang natutong tumawa
Tuwing may tumatanggi sa kanyang “Mahal kita”

Ngayon sa pagsilay sa kinang ng umaga
Aabuting muli ang kanyang kaibigang gitara
Hihinga nang malalim dahil alam na niya
Ang isang ito ay magandang bagong simula


Writer’s Note:

This was a piece that I wrote and submitted for an online (SNS) poetry writing contest a couple of years ago. I was happy that a few people could read this then, but as it is no longer available on FB, I am sharing it here (and on my Instagram).

Leave a comment

Yakap!

I’m Joy and welcome to my little digital corner. Let me share with you some of the wonders that come to my life, plus the creatively altered views of daily encounters that I try to put into my stories, poems, and other works here.

Let’s connect