Sugat

Minsan nasugatan ka na pala pero hindi mo pa alam. Nagpadala ka lang sa bugso ng damdamin, maaaring saya o lungkot. Sobra-sobra. Malilingon mo lang at mapapansin ang sugat kapag kumikirot na ito. Nagmistulang may ilang daang karayom ang unti-unting tumutusok dito. Tumutulo na pala minsan ang iilang patak ng dugo sa iyong balat pero para kang tanga o manhid lang talaga na hindi ito agad naagapan. Kaya sa pagkakita mo rito ay kailangan mo na ng alkohol, bulak, at lakas ng loob. Dahil kapag alam mo, mas sumasakit. Kahit pa noong iilang minuto lang ay parang walang pakiramdam ito.

Matatawa ka pero sa loob-loob mo ay pinipilit mong alalahanin kung saan at kailan mo nakuha ang sugat na iyon. Inaalam at iniintindi ang nagdulot ng sugat na iyon. At habang ipinapatak mo ang alkohol sa bulak ay ipinagdarasal mo na maghilom ng maayos ang sugat para hindi na magkaroon ng peklat at magbabalik sa iyong hindi kaaya-ayang alaala.

3 Comments

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s