, ,

Pagpaplano

Ano na nga ba ang plano ko?

Madalas akong nagpaplano maski sa bawat minutong kinikilos, ikikilos ko.
Nakapapagod magtala at mangarap sa huli naman ay walang napapala.

Lalo lamang naninikip ang dibdib sa pagdaan ng nakasulat na gawain pero wala namang narating.

Masarap magsulat at magplano pero kung walang tiyaga, dasal, at tiwala’y walang magbabago.

Ano na nga ba ang plano ko?

Isinusulat ko pa rin pero hindi na kada-minuto.

Pero tanging sa Panginoon ko na lang ito idinudulong. Sinasabayan ang bawat tala ng dasal upang ibahagi sa iba. Gabay at biyayang umaalalay sa aking mga yapak.

Ito ngayon ang plano ko.

Leave a comment

Yakap!

I’m Joy and welcome to my little digital corner. Let me share with you some of the wonders that come to my life, plus the creatively altered views of daily encounters that I try to put into my stories, poems, and other works here.

Let’s connect