Maraming papel, maraming dapat isulat
Ngunit maraming oras ang sinasayang
‘pagkat sa tuwing sisimulan ang talata
Nababagabag na baka may sumita

Tiwala sa sarili ay unti-unting nawala
Siguro dahil sa mga pagbatikos na nakuha
Mula sa mga taong pinagkatiwalaan n’ya
Ngayon tanging blankong papel and nagpapaalala

Sa dinamirami ng ideyang nais kumawala
Pilit na kinukubli, maprotektahan mula sa iba
Ang mga natamong sugat ay naghihilom pa
Kaya’t mahapdi ang dahan-dahang pagsasara

Unang yugto sa kuwento ng nagsisimulang makata
Natatabunan ng patong-patong na takot at kaba
Ang pag-asa, pag-unawa ay iniwan na siya
Mag-isang nag-iisip sa umaga, lumuluha sa pagtulog niya

Kailan kaya muling ma-ipapaalala
Ang saya at sabik sa bawat salita?

Masaktan man o mapuri
Buong tapang na ipagpapatuloy
Sa loob siguro ng ilang taon
Baka matandaan na ang nakalipas na panahon

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s