Pagpapatuloy

Kailan ko kaya maisusulat ang kasunod na eksena?

Sa mga papel na nilimot na ng panahon, mababalikan ko pa kaya ang mga kuwentong sinimulan? Maraming tanong na gustong sagutin. Nais na makitang muli ang taong naglakas loob na suungin ang pagsubok na kaakibat ng pagsusulat. Naging matapang sa loob at labas ng silid-aralan. Ngiti ang inialay sa iilang eksenang pinili at ipinagpatuloy. Tinapos, ipinasa.

Sa pagtatapos ng kabanatang binuo ng apat na taon, kinalimutan ko na nga lang ba talaga? Mula nang maranasan ang takbo ng mundo sa labas ng nakasanayang buhay sa unibersidad, nahirapang balikan ang tawag ng mga ideya at mga kuwentong nabubuo sa bawat nakikita. Muling natakot. Nagpadala sa kabog ng dibdib at mga boses na nangungutya sa loob ng aking isipan. Natigilan, pilit na nakalimot.

Sana mahanap na ang tamang panahon upang mabalikan at makakuwentuhang muli ang sariling naging matapang. Sana may magtulak o magpaalala na huwag tuluyang bitiwan ang pagsusulat.

2 responses to “Pagpapatuloy”

  1. trixfernando Avatar

    Tawagan ko na po ba si Sir Dumlao? Haha! Namiss ko na mga kwento mo Ate Joy!

    Like

    1. J. M. Salgado Avatar

      Oh my, haha. 🙂

      Uhm, kailangan ko muna balikan ang mga turo ni Sir.

      Like

Leave a reply to J. M. Salgado Cancel reply

Yakap!

I’m Joy and welcome to my little digital corner. Let me share with you some of the wonders that come to my life, plus the creatively altered views of daily encounters that I try to put into my stories, poems, and other works here.

Let’s connect