Patapos na ang taong 2016 ngunit marami pa rin akong gustong isulat. Mga kuwento at mga taong nais kong bigyang buhay. Natakot lang ako kaya hindi nagtuluy-tuloy ang proceso mula sa pagpaplano at sa pagtatapos ng isang buong primeyadong likha. Sa darating na bagong taon ay mas pagtutuunan ng pansin ang mga bagay na isinantabi na lamang. Sana nga lang ay huwag na masyadong magpapadala sa kirot ng takot na madalas nagbabadya dahil sa huli ako rin naman ang maghihinayang.
Kaya sa pagpasok ng 2017, dahan-dahan muling aabot ng mga salita at hahabi ng pangungusap. Magbibigay daan sa mga mapaglarong tauhan at kakaibang mga tagpuan. Simulan na.