Kumusta, bagong umaga?

Standard

Masakit ang bati ni Haring Araw
Pilit namamaso, nagpapapikit
Sinasabi ang oras ng paglabas
Sapagkat may mga ipabibitbit

Magtutulak sa iba sa tarangkahan
May pagbati pa ng hikab maging isang
Mahabang pagbagtas ng mga braso at
Balikat na naninigas mula pa sa
Papag na gawa sa sementong malamig

Gagawin ang lahat para sa kalam
Ng sikmura ng isa’t nagpumilit
Sumama, mapa-bata o matanda
Ito ang pagbati ng Haring Araw

Sa kalye ipagpapatuloy ang bitbit
Mga kayamanang sa kanila lamang
Tinapon, kinalimutan ng iba pa
Sa bumabating palad pa ilalahad
O puede ring dadamputin, isasalba

Masakit ang bati ni Haring Araw
Pilit namamaso, nagpapapikit
Sinasabi ang oras ng paglabas
Sapagkat may mga ipabibitbit

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s