Pag-ibig sa Panahon ng Tag-araw

Hindi ganoon katagal
Ang panahon ng pagmamahal

Sa sikat ng haring araw
Makikita ang tanglaw

Sa mata ng bawat bata’t matanda
May kislap na nakatutuwa
Ngunit mapait pala talaga
Ang tunay na kuwentong dala nila

Kay gagaan ng kanilang yapak
Alam mong napakabusilak
May mga makukulay na bulaklak
Sa daang kanilang tinatahak

Ngunit sa tuwing tag-araw
Sa puso lang matatanaw
Ang tunay na isinisigaw
At dama nila ang panglaw

Hindi ganoon katagal
Ang panahon ng pagmamahal

Pagbaba ni haring araw
Simula na sa pagkaway

Makikita ang alon mula sa bangin
Susunod na ang bugso ng hangin
Bitbit si Habagat na may pain
Nagbabakasakaling tanggapin

Ngunit lahat ay matatahimik

Sapagkat alam nilang hindi ganoon katagal
Ang panahon ng pagmamahal

Mamamaalam na sa gabi
Mamamaalam na sa labi
Sapagkat ang araw na nasabi
Ay ang kamatayan ng buong lahi

Hindi ganoon katagal
Ang panahon ng pagmamahal


This is a piece that I started way before, however, I couldn’t fully complete it in time. However, here is the one so far. Such a mess, yet there is that potential. Posting it here for referenc and might even be a source of inspiration later on for a short story.

Leave a comment

Yakap!

I’m Joy and welcome to my little digital corner. Let me share with you some of the wonders that come to my life, plus the creatively altered views of daily encounters that I try to put into my stories, poems, and other works here.

Let’s connect