,

20151113

Umaalingawngaw ang bawat tipa sa piyesa
Bawat kalabit sa kuwerdas ng gitara
Dinadala ang iilang natitirang alaala
Ngayong kanta na lamang ang nakakasama

Dahan-dahang ibinabalik ang nawalang nota
Taimtim na dinirinig ang kantang nagdala
Ng masasaya’t magagandang mga alaala

Ngunit sa paglipas ng panahon
Nanginginig na mga kamay ang naging hamon
Upang maibalik ang gitara sa kahapon
Bumabagal, dumadaing na sa pagbangon

Galaw ng kuwerdas ay humina
Nauwi sa mga bulong ang kanta
Mawawala na rin yata sa alaala
Mga minahal na pangalan at mukha

Leave a comment

Yakap!

I’m Joy and welcome to my little digital corner. Let me share with you some of the wonders that come to my life, plus the creatively altered views of daily encounters that I try to put into my stories, poems, and other works here.

Let’s connect