Nakaligtaan ko na naman ang nakaplanong araw ng pagdalaw. Kaya ngayon ay babalikan na lang ang mga alaala. Mula sa mga litrato at mga kathang magdadala muli sa akin sa matamis na yakap ng aking mahal na tahanan.
Maraming masasayang karanasan, mga pagsubok na nilampasan, at mga taong naging malaking parte ng pagkilala sa aking sarili. Salamat at ngayon ay gusto ko na talagang bumyahe at mag-isang lakbayin ang daan sa mga nakalipas na panahon.
Elbi, hintayin mo ako sa aking pagbabalik. 😀

(photo edited by Dale Rivera)
At isusunod ko na ang mga naisulat na kuwento para makatapos at makapag-iwan ng iilang natatanging alaala sa unibersidad.
Parang kailan lang…