Kuwentong Kababalaghan

Paningin

Umihip ang malamig na simoy ng hangin at madali nitong napawi ang pagod na aking nararamdaman. Katatapos lamang ng patimpalak at masaya ko sanang iuuwi kay Nanay ang napanalunan kong pera’t medalya. Sinasabayan pa ako ng liwanag ng buwan. Ngunit unti-unting kumikipot ang daan, napuputol ang pagkaluskos ng mga dahon, kumukurap ang liwanag ng buwan. Hindi ko na halos maramdaman ang paglapat ng aking paa sa lupa dahil ang nais ko na lamang ay makalayo, makatakbo. Patuloy sa pagkitid ang aking dinaraanan, natabunan na ng ulap ang sinag ng buwan at tanging matataas na damo na lamang ang aking nakakapa’t nadaraanan. Tanging ang mabilis na tibok ng aking puso ang aking naririnig. Hindi ko namalayan na bigla akong tumilapon at napadapa sa lupa. Natisod pa ako. Dahan-dahan kong iniangat ang aking sarili nang may kumalabit sa aking likuran. “Salamat po,” ang tangi kong nasabi. Hindi ko siya nagawang lingunin at tanging tinig lamang niya ang aking naalala. “Ang ganda ng iyong mga mata,”sambit niya. “Pahiram muna.”

—-
Isang eksenang mula sa alaala ng FIL150- Pagsulat ng Kuwentong Popular

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s