, , , ,

Haplos

Pinipilit kong balik-balikan
Ang alaalang lumulutang
Sa tanging bughaw na kalangitan
Inaaninag mga mukhang sa alapaap dumulong

Bitbit ang kakapiranggot na tela
Kinupas na ng panahon at luha
Dikit na halos sa aking dibdib
Ramdam ang bawat pintig

Lahat ng maraanan ay nilalapitan
Pinakikiramdaman upang marinig kahit panandalian
Hindi lang mga mata ang kinukuha
Pati pandinig minsan ay tuluyang nawala

Leave a comment

Yakap!

I’m Joy and welcome to my little digital corner. Let me share with you some of the wonders that come to my life, plus the creatively altered views of daily encounters that I try to put into my stories, poems, and other works here.

Let’s connect