Maraming bagay ang nawawala sa mundo
Ilan? Anu-ano?
Lahat
Kaya ano na ang gagawin mo?
Wala. Ewan. Siguro meron
O puedeng bahala na si Batman
Tanga!
Ikaw din naman eh!
Marami kang ideya at pangarap
Eh ano naman?
Wala
Hindi ka ba kikilos para…
Maabot iyong masayang hinaharap
Oo, puede rin kaso and drama
Gaga!
Tama na, nakakailan ka na a!
Happy endings and successes are made to happen
Tumpak! Ba’t English?
Profound
Nagmamaganda ang pangit
Mahirap iyon kasi sabog ang utak ko
Di nga? Alugin mo pa
Baliw
‘yun! Nakuha mo rin sa wakas!
Masarap mangarap at magplano
Pero ano? Mahirap gawing totoo?
Maybe
Magulong usapin, dilikadong tunguhin
Kung mas bata pa sana ako
Siguro puro sulat at plano
Mapusok
Walang landas na di haharapin
Mas mahirap kasi puso ang umiiral
Puso nga ba o utak?
Damdamin
Madalas kaba at luha
Ano na ang plano mo?