Marahang pagpihit ng gripo, biglang kalabog ng pinto.
Dumiretso ako sa banyo para maghilamos.
Alam ko na ang sasabihin, lunod na naman sa kalalagok,
Magdamagang uminom ng Matador sa may kanto.
Ligaya ko ay hanggang langit ang abot.
Tuwing Sabado ng umaga ganito na lamang ang simula
Ng araw na akala mo’y kayganda’t kaysaya.
Sunod na kilos ko’y basahan ang kasama.
Sa pagyuko’y may kasunod na namang suka.
Ngayon pumunta ako sa kama, kaibigan kong nakatanga,
Kamay ko sa balikat niya, ang isa’y sa may arinola.
Ngayong araw ay tila kakaiba
Sapagkat di ko kayang magwala
Mistulang walang problemang inaalala
Biglang higa ko’t talukbong ng mukha.
Hindi. Mali pala ako.
Ngayon ay kakaiba, ‘pagkat mas mabigat aking dala.
Pilit na itinatago ang hikbi naman ay di mapigilan.