Kuwentong Erotika

Tumingin si Jessie sa may bintana ng bus. Pinagmasdan niya ang pagpatak ng ulan, ang pagkabasa ng aspalto sa daan. Ang pagkakagulo ng mga taong naghahanap ng masisilungan. Maging ang dahan-dahang paglabo ng bintana dala ng paglalaban ng mainit na hangin mula sa kanyang bibig at ng lamig na dala ng aircon.

Hinigpitan ni Jessie ang pagkakayakap niya sa sarili. Balot na balot na siya ng makapal na jacket pero patuloy pa rin siyang nilalamig. Halos hindi na niya maigalaw ang mga daliri dahil sa paninigas ng mga ito.

Francis.

Hindi maalis ni Jessie ang paulit-ulit na pangalang iyon na bumubulong sa kanyang isipan. Hinawi niya ang kanyang buhok gamit ang malalamig at naninigas niyang mga daliri.

Francis, iyan ang pangalan ko. Francis, iyan ang pangalan ko.

Sa pag-ulit pa ng mga salitang iyon ay nararamdaman ni Jessie na unti-unting umiinit ang kanyang katawan. Dahan-dahang nawawala ang pamamanhid ng kanyang naninigas na mga daliri. Lalo pang umigting ang pakiramdam niyang ito nang may tumabi sa kanya.

“Akala ko ba aalis ka na?”

“Bumalik ka na lang,” sabi ng katabi niya.

Sinulyapan ni Jessie ang katabi. Naramdaman niya ang pagdampi ng kamay ng lalaki sa kanyang leeg. Hinila siya nito papalapit. Napatitig siya sa mapupungay na mga mata nito at natigil ang paulit-ulit na mga salita sa kanyang isipan. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Tuluyan na niyang nabitiwan ang jacket. Ang aircon ay mistulang tumigil sa pagtakbo at nagsimulang pumatak ang butil ng pawis mula sa pisngi niya hanggang sa umabot ito sa kanyang leeg. Nawala ang pamamanhid ng kanyang katawan. Ang kanyang mga daliri, maging ang kanyang braso, dibdib, at mga hita, ay biglang nadaluyan ng dugo at nagpatuloy sa pag-init. Nagpatuloy ang paglabo ng bintana sa kanyang likuran.

—-
Isang eksenang mula sa alaala ng FIL150- Pagsulat ng Kuwentong Popular

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s