Sa ilalim ng liwanag ng buwan, nakaupo sa may lumang pahingahan sa may dalampasigan ang isang babae. Tahimik ang paligid at tanging ang paghampas ng mga alon ang maririnig. Ngunit pagkalipas ng ilang saglit ay sumasabay na sa awit ng dagat ang mahinang paghikbi ng babae. Sa oras na ito ay may lalaking papalapit sa kanya na may dalang electric lamp. Marahan ito sa paghakbang ngunit saglit na natigilan nang marinig na niya ang hikbi at hampas ng dagat na tila dalawang magkaibigang nagkakaunawaan. Nanatili siya saglit sa kanyang kinatatayuan at pinagmasdan lang ang pag-angat at pagbaba ng balikat ng babae sa kanyang harapan. Matapos maintindihan ang nangyayari ay nagpatuloy ang lalaki sa paglapit sa babaeng nakaupo sa may pahingahan.
Excuse me.
Tila napakimbot ng bahagya ang babae dahil sa narinig pero hindi ito agad na humarap, kundi ay mabilis na inabot ang panyo sa may bulsa at nagpunas ng mga mata.
Excuse me, Ms. May? Tanong ng lalaki na pinipigilang ipahalata ang pag-aalala.
Ye…yes. At dito na humarap ang babae.
Kumirot ang puso ng lalaki nang makita ang mapupungay na bata ng nasa kanyang harapan. Tinitigan niya ito nang ilang segundo bago siya napabalikwas ng bahagya nang tawagin nito ang pangalan niya.
Sir Lex!
Nakailang tawag na pala kasi si May pero di sumasagot ang kausap.
Ah, ano… Ms. May, magsisimula na ang evening program natin kasama ng mga volunteer.
Ilang segundong katahimikan ang bumalot sa pagitan ng dalawa.
Sir, okay lang ba na di na muna ako sasali?
Tumango bahagya si Lex. Inabot ang kanyang cellphone sa bulsa at nagsimulang tapikin ang screen.
Ah, Sir Lex?
Hindi tumingala ang lalaki pero sumagot ito nang may malumanay na pagbigkas.
Okay na, Ms. May. Pero puede ba na samahan kita rito?
Biglang nangilid na naman ang mga luha sa mata ng babae pero siya ay tumango rin ng bahagya bago humarap sa may dalampasigan.
Lumapit na nang tuluyan si Lex at umupo sa may tabi ni May nang mga halos sampung pulgada lang ang layo.
Sabay na nagbuntong-hininga ang dalawa bago tuluyang humarap sa may kawalan. Tanging ang maliit na liwanag mula sa dalang electric lamp ang nabibigay aninag sa kung anong nasa paligid nila, silang dalawa at ang kawayang upuan.
Recently, there has been this urge in me that I miss writing. I miss those days when I could simply sit and put my ideas on the page in front of me. However, as I got older and as I focused more on my work, I simply lost that fire. Ideas scatter all over my mind, I don’t have any control anymore to make sense of them. I gradually wilted as I accepted my fate that I wouldn’t be able to write like I used to in the past.
However, today, I want to give it another try. Moreover, it has been quite challenging for me to compose anything in Filipino, so here I am, dragging my way to at least create a scene that makes sense. I hope to be able to get back to writing stories and even learn more on writing poetry. I would love to meet all the characters I left behind in my mental storage as I didn’t have the courage to put them into any written stories. To those who would be able to read this, have you experienced anything similar? Any advice on how I could keep this up?